PANGNGALAN, PANGNGALAN, ALAMIN ANG KAYARIAN
Sikat ang paksa na pangngalan dahil ito ay palaging bahagi ng paksang aralin mula sa elementarya hanggang sa pinakamataas na antas ng edukasyon. Ano ang pangngalan? Si Pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar at mga kaisipan o konsepto. Naririto ang kayarian ng pangngalan: 1.Kung tungkol sa pangkalahatang uri, pangngalang pantangi at pambalana 1.1 Pangngalang Pantagi - tiyak na ngalan ng tao, bagay, teknolohiya, konsepto at lugar at iba pa. Kung isulat ito ay kailangang magsimula sa malaking titik. Halimbawang ngalan ng tao, Marlonford Coutinho Halimbawang ngalan ng bagay, Singer Sewing Machine Halimbawang Teknolohiya, Purtier Placenta Stem Cell, Asus Laptop Halimbawang konsepto, Covid19 Virus Halimbawang lugar, Baranggay Tambis Hilongos Leyte 1.2 Pangngalang Pambalana o common noun- karaniwang ngalan ng tao, bagay, teknolohiya, konsepto at lug...