PANG-UKOL, SAAN UUKOL?
Ang Pang-ukol ay ginagamit bilang pananda sa simuno o paksa ng pangungusap tungo sa pandiwa. Ang pang-ukol ay n agpakilala sa simuno tungo sa maaring nagmamay-ari, tumatanggap, pinaglalaanan, pinagmulan, pinanggalingan, posisyon o kinalalagyan ng pandiwa. Sa English, ito ay preposition. Ang pang-ukol sa Filipino ay ang mga sumusunod: 1. Ang Pang-ukol na NG . Ginagamit ito bilang pananda sa pangngalang tiyak, at ginagamit na: A. Layon sa pandiwa: *Nagbalangkas ng batas ang mga senador. * Nagpatayo ng Tutorial Internet Cafe ang LGU. B. Panuring na paari *Ang bahayanihan ay kultura ng mga Pilipino. *Ang petisyon ng mga biktima ay dininig na. C. Tagaganap ng pandiwa *S inaliksik ng imbestigad...