MGA WIKANG OPISYAL: MGA WIKANG PANREHIYON, FILIPINO AT ENGLISH
Naging wikang opisyal sa Pilipinas ang ang Filipino ( na noo’y Pilipino) noong 1940 sa ilalim ng Batas Komonwelt Bilang 570. Sa taong 1968 ipinalabas ng kalihim ng Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkula Bilang 172 na nagbibigay-diin na ang ‘letterhead “ ng mga kagawaran, tanggapan, at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, pati na ang panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleado ng pamahalaan ay sa Pilipino rin. Itong lahat ay mga kalakaran nakalipas na nagpapatunay na ang Filipino ay dati nang wikang opisyal sa Pilipinas. Ngunit, dahil sa nagbabago na ngayon ang kapakanan ng bawat isa at sa epekto ng globalisasyon, bukod sa wikang Filipino, kasama ang iba pang wika. Nangangahulugang hinirang ng mga pinuno ng bansa ang mga wika bilang opisyal sa paaralan, tanggapan at sa korenpondensiya—sa komunikasyon. Ang wikang opisyal ay nagsasaad na wikang magagamit sa transaksyonal na komu...