PANGNGALAN, PANGNGALAN, ALAMIN ANG KAYARIAN

Sikat ang paksa na pangngalan dahil ito ay palaging bahagi ng paksang aralin mula sa elementarya hanggang sa pinakamataas na antas ng edukasyon. 
 Ano ang pangngalan? Si Pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar at mga kaisipan o konsepto. 

Naririto ang kayarian ng pangngalan: 
 1.Kung tungkol sa pangkalahatang uri, pangngalang pantangi at pambalana 
 1.1 Pangngalang Pantagi - tiyak na ngalan ng tao, bagay, teknolohiya, konsepto at lugar at iba pa. Kung isulat ito ay kailangang magsimula sa malaking titik. 
 Halimbawang ngalan ng tao, Marlonford Coutinho Halimbawang ngalan ng bagay, Singer Sewing Machine Halimbawang Teknolohiya, Purtier Placenta Stem Cell, Asus Laptop 
 Halimbawang konsepto, Covid19 Virus 
 Halimbawang lugar, Baranggay Tambis Hilongos Leyte 
 1.2 Pangngalang Pambalana o common noun- karaniwang ngalan ng tao, bagay, teknolohiya, konsepto at lugar at iba pa. Kung isulat ito sa maliit na titik.
 Mga halimbawa bata, makina, paaralan, halaman at iba pa
 1.2.1 Mga Uri ng Pangngalang Pambalana ayon sa tungkulin
 a. Tahas o concrete noun - anumang bagay na makikita at mahahawakan 
 Mga halimbawa, damit, prutas, bahay at iba pa

 b. Basal o mass noun- salungat sa tahas, ito ay mga kaisipan o konsepto lamang at itoy nadarama 
 Mga halimbawa, pag-ibig, pag-asa, pagkamapang-sip at iba pa
 c. Lansakan/Palansak- nagsasaad ng kaisahan mula sa dami. Mga halimbawa: Pulutong (ng kawal) kumpol (ng bulaklak) Piling o sipi (sa saging) Tiklis (sa walis) at iba pa
 2.Kung ayon sa bilang/kailanan, ang Pangngalan ay  isahan at maramihan 
Isahang pangngalan: bata
Maramihang pangngalan: mga bata


 3.Kung ayon naman sa kasarian, and pangngalan pambabae, panlalaki, walang kasarian
3.1Kasariang pambabae: ito ay nagsasaad ng ngalan o matawagan na babae:
Halimbawa: Sarah Sulayman, abogada, doktora at iba pa 
3.2. Kasariang panlalaki: doktor, abogado, G. Bunaparte Lahi, at iba pa.
3.3. Walang kasarian: mga katawagan na di matukoy kung babae ba o lalaki: silya, makina, karnero at iba pa

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA WIKANG OPISYAL: MGA WIKANG PANREHIYON, FILIPINO AT ENGLISH

TAGALOG: BATAYAN SA PAGLINANG NG WIKANG PAMBANSA

Ano Depinisyong ng WIKANG FILIPINO Ayon sa Resolusyon ng KWF sa Taong 1996?