Ano Pinagmulan ng Wika at Wikain sa Pilipinas?

 

Ang kasalukuyang kabihasnan ngayon ay mismong sasagot sa mga katanungang paano umusbong ang wika sa buong daigdig. Ang migrasyon at pananakop ay isang daan upang ang isang wika ay matutunan at  maghihiraman sa iba’t ibang pangkat. Ang anumang bagay na  kaugnay sa pamumuhay ay higit ring nagtutulak upang mapayabong ang anumang wika at ito’y matutunan ng ninumang tumatangkilik sa mga bagay-bagay na mahalaga sa pamumuhay. Ang pag-iral sa katalinuhan ng tao, ang nagaganap na pagtuklas ng kaalaman at pag-iimbento ng iba’t ibang bagay ay isang uring pangyayari na siyang dahilan sa ebolusyong ng isang wika.

 

Sa Pilipinas, kung balikan natin ang kasaysayan, maintindihan rin natin ang pinagmulan ng wikang umiiral sa ating kapuluan.  Sa anong uring mga pulo mayroon ang dumudugtong sa Pilipinas sa bandang Tawi-tawi at sa Sabah Malaysia ay maaninaw natin kung ano ang hatid nito sa wikang ginagamit ng mga Pilipinong mula sa lipi ng mga Malayo. Maintindihan natin na ang mga wikang katutubo ay dala sa mga unang naninirahan sa ating kapuluan, at ang mga sinaunang tao na iyon ay may pinanggagalingan kasabay na ang wikang ginagamit na hanggang ngayon ay makilala pa. Ang iba’t ibang wika at wikain sa Pilipinas ay nagmula sa tinatawag na Malayo-Polynesian o Austronesian na siyang pangalawang pangkat ng wika sa buong daigdig. Ang Tagalog, Cebuano, Waray, Ilonggo, Ilocano at iba pa ay isang tatak sa iba’t ibang pinaggagalingan ng mga Pilipino. At dito natin makilala ang iba’t ibang uring  likas na salita bukod sa hiram at likhang salita.  Tinataya na ang mga salitang Filipino ay nakaugat sa Sanskrit na ginagamit ng mga Arabian at Indian na nadala ng mga Malayo sa ating kapuluan. Kaya ang mga salitang likas sa Pilipinas ay kahawig sa mga salitang Malayo. Halimbawa nito ang  salitang Bathala na  mula sa Bathara na Sankrit, at ang “ako” ay mula sa Malayo na “Akuh” na may iba’t ibang bersiyon sa ng mga Pilipino. Sa pag-aaral ng mga antropologo, dito sa Pilipinas, ang mga salitang likas na nagtatapos ng tunog “t” ay mula sa Sanskrit, at ang nagtatapos ng patinig ay kadalasan ay hango sa Malayo.

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA WIKANG OPISYAL: MGA WIKANG PANREHIYON, FILIPINO AT ENGLISH

TAGALOG: BATAYAN SA PAGLINANG NG WIKANG PAMBANSA

Ano Depinisyong ng WIKANG FILIPINO Ayon sa Resolusyon ng KWF sa Taong 1996?