Aspekto ng Pandiwa: ANG ANYO NG PANDIWA Ayon sa Panahon ng Pagpapahayag ng kaisipan


Isang mahalagang katangian ang may maayos na paglalahad ng panahon sa bawat paghahayag ng kaisipan. Matamo ito sa pamamagitan  ng tamang anyo ng pandiwa, dahil ang pandiwa ay nagpapalinaw kung ano ang mga kaisipan na nagbibigay tuon o pokus sa paksa o nilalaman ng bawat pahayag.

 Ang kaalaman sa aspseto ng pandiwa ay mahalaga upang mapabisa ang pagpapahayag, at dapat itong matamo upang maging ganap ang komunikasyon sa akademikong Filipino.

Sa aspekto ng pandiwa ay may mga termino na lingid na sa inyong kaalaman at ito ay ang mga sumusunod:

    1.Aspektong Perpektibo: ito ay pandiwa na nagsasaad na tapos na o naganap na ang kilos.

  2.Aspektong Katatapos: ito ay pandiwa na nagsasaad na ang kilos ay katatapos pa lamang, 

   maaring isang oras/isang minuto o isang segundo lamang ang pagitan.

  3.Aspektong Imperpektibo: ito ay pandiwa na nagsasaad na tapos na ang kilos ay kasalukuyang ipinagpatuloy pa.

   4. Aspektong Kontemplatibo: ito ay pandiwa na nagsasaad na ang kilos ay gagawin pa o inaasahang maganap.

Sa bawat anyo ng pandiwa batay sa anumang aspekto ay may mga palatandaan. Ang palatandaang ito ay batay din kung anong panlapi ang ikinakabit. Kung mahilig sa ka Maths ay gusto mo ring gawin ang pagbibigay anyo ng pandiwa ayon sa aspekto nito.

A. Sa ASPEKTONG PERPEKTIBO, narito ang mga pormula kung anong anyo ng pandiwa ang maganap kung: 

1. ang panlaping nasa anyong /m/ ay maging /n/, gaya ng magsikhay=>nagsikhay

2. Ang pandiwang nasa anyong ‘um’ ay mananatili, at ang wala ay dagdagan ng ’um’ tulad ng aksiyon=>umaksiyon,     lumakad=>lumakad

3.Kapag ang pandiwa ay nasa anyong an/han mananatili ngunit madagdagan ito ng ‘in-’ sa unahan, halimbawa: lapatan=>nilapatan

4. Kapag magkatambal ang ma...an, susundin ang alituntuntunin#1, ang ibig sabihin ay ang ma...an ay maging na...an, gaya nito: matapatan=>natapatan

5.Kapag ang pandiwa ay nasa anyong -an, dagdagan din ng in– sa unahan ngunit magkakaroon ng pagpapalit ponema. Halimbawa-regaluhan=>niregaluhan

6. Kapag ang pandiwa ay nasa anyong ‘-in’, ang ‘-in’ ay ililipat sa unahan, gaya sa halimbawang ito, suriin=> sinuri

 

 B. Ang ASPEKTONG KATATAPOS naman,  ito ay mabubuo lamang sa pagdagdag ng panlaping ‘ka-” at pag-uulit ng unang pantig sa salitang-ugat. Naririto ang mga halimbawa:

 Magsikhay  (ang salitang ugat ay sikhay  =>kasisikhay 

Umaksiyon (ang salitang ugat ay aksyon)   =>kaaksiyon

Matapatan  (ang salitang ugat ay tapat)  =>katatapat

Regaluhan  (ang salitang ugat ay regalo) => kareregalo

Suriin  (ang salitang ugat ay suri  => kasusuri

 

C.  Sa kasong IMPERPEKTIBO, nakabatay lamang ang anyong ito sa aspektong perpektibo at pag-uulit ng unang pantig sa salitang-ugat. Ganito ang mga halimbawang anyo:

         *Nagsisikhay ( anyong perpektibo: nagsikhay)

         *Umaaksiyon ( anyong perpektibo: umaksiyon)

          *Natatapatan ( anyong perpektibo: natapatan)

          *Nireregalohan ( anyong perpektibo: niregalohan)

           *Sinusuri ( anyong perpektibo: sinuri)


D.  Ang ASPEKTONG KONTEMPLATIBOAng pangkalahatag alituntunin nito ay ang pag-uulit ng unang pantig sa salitang-ugat na nababatay sa kung anumang anyo mayroon ang pawatas. Ang pawatas ay ang salitang ugat na kinabitan ng panlapi.

 Mga halimbawa:

 *Magsisikhay

 *Aaksiyon

 *Lalakad

 *Lalapatan

 *Matatapatan

 *Reregalohan

 

Susuriin

 

 

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA WIKANG OPISYAL: MGA WIKANG PANREHIYON, FILIPINO AT ENGLISH

TAGALOG: BATAYAN SA PAGLINANG NG WIKANG PAMBANSA

Ano Depinisyong ng WIKANG FILIPINO Ayon sa Resolusyon ng KWF sa Taong 1996?