IBA'T IBANG GAMIT O TUNGKULIN NG WIKA

 

Sa pag-aaral ni Michael Halliday sa disiplinang  Child Language Development, natuklasan niyang nagaganyak na matuto ng wika ang isang bata dahil sa gamit nito. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pang-instrumental. Sa tungkulin ng wikang ito, pinapahalagahan ang pagtugon sa pangangailangan ng isang tao. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap, panghimok, pangungumbinse at paghingi ng pabor. 

 Mga Halimbawa: 

Mag-apply po ako bilang isang iskolar sa unibersidad ninyo, at ito na po ang aking application letter at  kalakip po nito ang mga kakailangang dokumento.

*Mr. Palay, gusto kong mag-invest sa Mango Insdustry pokus sa  exporting.

2. Panregulatori. Ito ang tungkulin ng wika upang makontrol ang kilos o ugali ng iba. Nabibilang din dito ang mga tiyak na pagpapahayag ng pagbibigay panuto, direksyon, pagbibigay paalala at babala at iba pa.

Mga Halimbawa:

*Mangyari po lamang mananatili sa inyong upuan hanggang hindi pa nabuksan ang pintuan ng bus.

*Pakuluan lamang ang noodles sa loob ng limang minute pagkatapos  ihalo ang panimpla.

 

 3. Pang-interaksyon.  Ang pagtatalakayan, ang pakikipagtalo, ang pagbabahagi ng mga karanasan at pagpapahalaga sa mga kaisipan ng iba ay napapabilang nito.

Mga Halimbawa:

*Hindi ako sang-ayon kung ibalik ang death penalty dahil malinaw na isinasaad sa banal na kasulatan na walang ninumang may karapatang kitilin ang buhay.

*Kung ang bawat Pilipino ay may kamalayan sa sitwasyon kinaharap ng ating planeta,  hindi mahirap lutasin ang global warming.

 

 4. Pampersonal. Sa tungkulin ito ay nabibigyang puwang ang bawat isa na magpapahayag ng sariling damdamin, kuro-kuro tungkol sa paksa. 

Mga Halimbawa:

*Sa palagay ko’y may malalim na dahilan ang pamilyang Kiram kung bakit nagawa nilang makipaglaban sa kapakanan ng Sabah.

*Magandang pangyayari ang pagtaas ng ekonomiya ng ating bansa. Sana magpatuloy na ito.

 

5. Pang-imahinasyonKailanma’y hindi mailayo ang tao sa malikhaing pag-iisip. Isa itong uring kalayaan at outlet sa pagkatao. Sa akdang pampanitikan ay makilala ang tungkulin ng wikang ito.

Mga Halimbawa:

*Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang taong nagpapalibing na buhay at  pagkaraan ng ilang araw ay nahukay itong buhay.

*Ang mga tao noon ay walang kamatayan, kaya para lamang silang mga isinampay na mga damit kahit saan saan. Nagkalat lamang ang mga taong wala nang silbi kaya napag-isipan ng  bathala bigyan ng kamatayan ang bawat isa

 6. PangheuristikoWalang limitasyon ang paghahanap ng impormasyon. Ito ay ang saklaw sa tungkulin ng wikang ito.  Ang pag-iinterbyu, pakikinig ng balita, pagbasa ng mga artikulo ay nasa uring tungkuling ito.

Mga Halimbawa:

*Ano ang nauuna, ang itlog o ang manok?

*Ano-anong mga paghahanda ang ginagawa ng DepEd at CHED na may kinalaman sa K to 12?

 

 7. Pang-impormatibo. Ang tungkulin ng wikang na ito ay makilala sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Sa akademiko at propesyonal na larangan ito makilala.

 Mga Halimbawa:

Ang Dep. Order # 70 ng DepEd sa 2012, ay nagtalaga na hindi kailangang maghahanda ng lesson plan ang mga guro ngayon.

*Ang katawagang adobo ay mula sa katawagang Kastila na adobar na nangangahulugang ibabad. Ngunit ang kaparaanang pagluto na ito ay natutunan na ng mga katutubo bago pa dumating ang mga Kastila.

 Mapapansin ang mga halimbawa ay hindi naman ito mga kaispan na maaring sasabihin ng bata, sa kasong ito, ang layunin sa paggamit ng wika ay nag-uumpisa sa pagkabata.

 

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA WIKANG OPISYAL: MGA WIKANG PANREHIYON, FILIPINO AT ENGLISH

TAGALOG: BATAYAN SA PAGLINANG NG WIKANG PAMBANSA

Ano Depinisyong ng WIKANG FILIPINO Ayon sa Resolusyon ng KWF sa Taong 1996?