Pandiwa, Nagpapakilos ng Pangungusap!

Ang pandiwa ay mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw, at ayon naman sa gamit ng pangungusap, ito ay nagsisilbing kaluluwa ng pangungusap dahil ito ay nagsasaad kung ano ang kilos o galaw na ipinapahayag batay sa pinag-usapan o simuno ng a pandiwang may banghay ang mga pandiwang nagsasaad ng kilos o galaw, at tinatawag naman na pandiwang walang banghay ang nag-iisang kataga na “ay” na isang pangawing. 

Ang pandiwa ay nabubuo sa pamamagitan ng mga panlaping makadiwa at salitang ugat. Batay dito, sinasabing makapangyarihan ang mga panlaping makadiwa dahil maari nitong gawing pandiwa ang anumang salitang ugat, pati pangalan ng tao. 


1. um- (Nagsasaad ng karaniwang kilos na impersonal o mga kilos ng katawan, mga halimbawa: lumaki, kumukutitap, at humalili. )

2. mag- (Ito ay likas na palipat ang mga pandiwang nasa anyong ito nagsasaad ng pagsasagawa ng kilos, halimbawa:  mag-ani, mag-aral at mag-atubili, mag-aklas )

3. mag- (Ito ay ang panlaping hindi sinusundan ng gitling, hindi kagaya ng nasa #3. nagsasaad ito ng paulit-ulit na kilos, ang mga salitang malumay ay bigkasing mabilis, at ang mga salitang malumi ay maging maragsa. Narito ang mga halimbawa: magsasaliksik, magmumuni-muni, magdidikdik , magbibinta, magpupuksa, magpapataba at iba pa.)

4. mag- (Nagsasaad ng angking gawain o propesyon, halimbawa:  magnars, magdekana, magpresidente, magturo, magpulis at iba pa.)

5. mag...an/han (Naglalahad ng sabayang kilos, halimbawa: magkarerahan, magsayawan, magpistahan at iba pa.)

6. magka- (Nagsasaad ng pagkakaroon ng bagay o pagkakaganap ng kilos, magkapera, magkatrabaho, magkabahay, magkasasakyan, magkakapayapa, magkanegosyo, magkatipon-tipon at iba pa.)

7. magma- (Nagpapahiwatig ng pagpipilit o pagpapapanggap, mga halimbawa: , magmatiisin, magmabilis, magpabiruin, magpasipag, magpatapatin, magmakumbaba, magmahangarin  at iba pa.)

8. magpa- (Nagpapahayag ng pagpapagawa sa iba ng kilos, mga halimbawa: magpa-drawing, magpagawa, magpatahi, magpalinis, magpamudmod, magpapaliwanag at iba pa.)

9. magpaka- (Nagpapahiwatig ng pagpipilit na maging pareho, magpakatalino, magpakasipag, magpakababa, magpakamaingat, at iba pa.)

10. magpati- (Nagsasaad ng kagustuhang gawin dahil sa isang di-maiwasang pagkakataon, mga halimbawa: magpatilaba, magpatilayo, magpatialis, magpatitakbo, magpagtilangoy, magpatidasal, magpati-aral at iba pa.)

11. i- (Nagsasaad ng kilos para sa iba, halimbawa: iluto, ikanta, idisenyo, , itanghal, ilipat, isindi, itagay, idala, iukit, itangay, ilinis, ihugas, ikuha, ikumbinse)

12. i- (Nagpapahiwatig sa paggawa ng kilos, halimbawa:ilaban, itulad, idikit, ikarga, ilabas, itanggol, ilipat, ihanap)

13.-in/hin (Nagsasaad ng paggawa ng kilos, halimbawa: alukin, punain, purihin, subukin, biruin, alisin, linisin, liparin, hugutin, sipain, tuparin, kunsultahin, aminin at iba pa.


Marami pang panlaping makadiwa na siyang makapagbubuo ng pandiwa.

 

 

 

 

 

 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA WIKANG OPISYAL: MGA WIKANG PANREHIYON, FILIPINO AT ENGLISH

TAGALOG: BATAYAN SA PAGLINANG NG WIKANG PAMBANSA

Ano Depinisyong ng WIKANG FILIPINO Ayon sa Resolusyon ng KWF sa Taong 1996?