PANG-UKOL, SAAN UUKOL?
Ang Pang-ukol ay ginagamit bilang pananda sa simuno o paksa ng pangungusap tungo sa pandiwa.
Ang pang-ukol ay nagpakilala sa simuno tungo sa maaring nagmamay-ari, tumatanggap, pinaglalaanan, pinagmulan, pinanggalingan, posisyon o kinalalagyan ng pandiwa. Sa English, ito ay preposition. Ang pang-ukol sa Filipino ay ang mga sumusunod:
1. Ang Pang-ukol na NG . Ginagamit ito bilang pananda sa pangngalang tiyak, at ginagamit na:
A. Layon sa pandiwa:
*Nagbalangkas ng batas ang mga senador.
*Nagpatayo ng Tutorial Internet Cafe ang LGU.
B. Panuring na paari
*Ang bahayanihan ay kultura ng mga Pilipino.
*Ang petisyon ng mga biktima ay dininig na.
C. Tagaganap ng pandiwa
*Sinaliksik ng imbestigador ang buong pangyayari.
*Pinayuhan ng abogado ang isang negosyante.
*Ang mga pangngalan dito ay may katiyakan.
2. Ang Pang-ukol na SA. Ito ay pananda sa pangngalang masaklaw na ginagamit na:
A. Layon ng pandiwa:
*Nakipagtulungan sa awtoridad ng NBI ang mga website na naha-hack.
*Pinamamahalaan sa kapangyarihan ng DOJ (Department of Justice) ang pag-iimbestiga.
B. Panuring:
*Nagtalaga ng makabagong alituntunin sa ortograpiya ang Komisyon sa Wikang Filipino
*Naglibot sa Kabisayaan ang Bagyong Pablo sa taon 2013.
3. Ang Pang-ukol na NI/NINA. Ginagamit na pananda bilang:
A. Panuring na paari
*SONA ni Duterte
*laban ni Manny Pacquiao
*paliwanag nina Jambi M. at Atty. W.
*poster nina Sarah G at Angel L.
B. Tagaganap ng pandiwa
*sinulat ni Minggoy Lopez
*kinanta nina Lea S. at Lani M.
* inindorso nina Meriam D. S at Loren L.
* iniulat nina Kabayan at T. Failon
4. Ang Pang-ukol na KAY/KINA. Pananda ng pangngalang ginagamit na :
A. Layon ng pandiwa
*Ang kinatawan ng KWF ay nakipagsunduan kay Virgilio Almario.
*Dumepensa kay Trillanes ang kanyang mga kaalyado.
*Ang nagkatanggap ng libreng Philhealth Card ay nagsasalamat kina Mike R. at Gwen G.
B. Panuring
*Ibinalitang parang masagwil sa mga tauhan ni Gwen ang paglilingkod kay Magpale.
*Ang mga pulis ay tumistigo laban kay Isko Moreno.
*Mataas ang pagtingin ng mga Pilipino kina Rizal at Bonifacio.
*Bumabandera noon pagtutulan kina Enrile at Trillanes.
Mga Komento