POKUS NG PANDIWA, May hokus pokus ba?

 Pagpalain kayong mga butihing estudyante na nagsusumikap!

Isang mahalagang katangian ang pagkakaroon ng pokus o diin ng mga ideya sa kabuuang diskusyon o paliwanag. Ito ay maumpisahang matamo sa pag-unawa sa mga pokus ng pandiwa. Kailangan ito upang magkakaroon ng kabuuang pag-unawaan sa pinag-usapan o sa nababasa. Kaya sa paglinang nga kasanayan ng wika sa pasulat  o pasalita mahalaga ang tungkol sa POKUS NG PANDIWA. 

Ang pokus ng pandiwa ay ang kaugnayan ng simuno/paksa ng pangungusap tungo sa pandiwa nito. Makilala din ito sa taglay na panlapi ng isang pandiwa. May pitong (7) pokus din ang pandiwa: (1) pokus sa tagaganap, (2) pokus sa layon, (3) pokus sa ganapan, (4) pokus sa tagaganap, (5) pokus sa gamit, (6) pokus sa sanhi, at (7) pokus sa direksiyon. 

Pansinin ang mga uri ng pokus ng pandiwa at ang mga panlaping palatandaan:

1. Pokus sa tagaganap. mag-, at um-, mang-, maka- at makapag-

¨ Bumalangkas ng batas ang mga Senador para sa kapakanan ng mga mamamayan.

¨ Dumaan ang bagyong Pablo sa Pilipinas lalo na sa     Compostela Valley. 

2. Pokus sa layon. i-, -an, ma-, ipa-, -in

¨ Ipinapatupad ang batas tungkol sa protesyon at pangangalaga sa mga kababaihan.

¨ Ang COVID-19 Pandemic  ay ipinagluksa sa buong daigdig.

   3. Pokus sa ganapan. an/han, pag...an/han, pang...an/han

¨ Pinaglilikuman ng datos ng estudyante sa History 1 ang simbahan ng Intramuros  Manila.

¨ Dinausan ng Reunion Party ‘92 ang Canigao Island, Matalom Leyte.

 4. Pokus sa  tagatanggap. i-, ipang-, ipag-,

¨ Ipinagkalooban siya ng gawad Alagad ng Sining.

¨ Pinasasalamatan ng turista ang taxi driver na nagsasauli ng kanyang nawalang bag na  may perang umabot ng PhP50,000.

  5. Pokus sa gamit. ipang-, ipinang

¨ Ipinang-imprinta ni Ginoong Ting ang Epson L110 ng 1000 kopya ng aklat.

¨ Ipinangkarera ni Jovie Adlawan ang kanyang bagong motorsiklo.

   6. Pokus sa sanhi. i-, ika-, ikapang-,

¨ Ikakababa ng ekonomiya sa Pilipinas ang pagdaan ng  mga kalamidad sa taong 2012.

¨ Ang aking proyekto na may pamagat na “Mula Tula Mula sa Puso” ay ikinatuwa ni Binibining Susan LobitaƱa.

   7. Pokus sa direksiyon. an/han, 

 ¨ Binisitahan  ng mga Turista ang Tinago Cave sa Hindang Leyte.

¨ Pupuntahan ni  Marlon ang Portuguese Embassy sa Jakarta Indonesia.

 

 Walang hokus pukus ang pagkilala sa mga pokus ng pandiwa kung ang isang estudyante ay isang mapagmatyag sa panlaping ginagamit.

 

 

 

 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA WIKANG OPISYAL: MGA WIKANG PANREHIYON, FILIPINO AT ENGLISH

TAGALOG: BATAYAN SA PAGLINANG NG WIKANG PAMBANSA

Ano Depinisyong ng WIKANG FILIPINO Ayon sa Resolusyon ng KWF sa Taong 1996?