WIKANG PAMBANSA nakasaad sa Saligang Batas
Pagpalain kayong mga butihing mga estudyante!
Mahalagang impormasyon na naman ang matutunan ninyo dito:
A. Filipino Bilang Wikang Pambansa
Nakatala sa Saligang Batas (Art. XIV, Seksyon 6, 1987 Konstitusyon) na ang pambansang wika sa Pilipinas ay tatawaging Filipino, at itinadhana rin sa Seksyon 3 sa parehong artikulo na ang Kongreso sa Pilipinas tungkol sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng wikang kakilanlan batay sa mga umiiral na katutubong wika . Ito ang batas na magpatupad sa patuloy na paglinang ng Wikang Pambansang Filipino at nagsasaad na ang bawat Pilipino ay may sariling kakilanlang wikang ginagamit. At, bilang Filipino na Wikang Pambansa bahagi ito sa lahat ng antas ng kurikulum sa layuning matamo ang paglinang ng nasyonalismo at pagpapalaganap ng natatanging kultura.
B. Depinisyon ng Wikang Filipino
Isinasaad na Filipino ang pasalita at pasulat na katutubong wika sa Metro Manila na pambansang punong rehiyon at sa iba pang sentrong urban sa archipelago, ang ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika, sa sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at matalos na pagpapahayag (Resolusyon Blg.1-92 ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Mayo 13, 1992). Samantala, sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang ahensyang magpapayaman sa wikang pambansa, hango sa Resolusyon blg. 96-1, Agosto, 1996, nagpapakahulugan rin naming “ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.”
Sa mga kaisipang inilalahad, malinaw na ang wikang Filipino ay produkto sa iba’t ibang wikang umiiral sa buong bansa at natatanging magpakikilala sa kultura ng mga Pilipino.
Mga Komento