WIKA: Karugtong ng Dila! Alamin ang Kahulugan Nito
Isang malaking biyaya ang wika para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagsasalita. Dahil sa pagsasalita nagkakaroon ng anyo ang wika. Ang bawat makabuluhang tunog at ang bawat simbolong makahulugan ay nagsisilbing anyo nito. Sa kapangyarihan ng pagsasalita, naipakilala ang kakanyahan ng wika at ang kabuluhan nito sa buhay ng tao. Isang malaking bagay na dapat mabatid ng sinuman, upang lalong mahalin at pahalagahan ang sariling angkin na wika bilang biyaya mula sa Poong Maykapal. Ang wika at pagsasalita ay magkatamabal na katawagan dahil unang nagkaanyo ang wika dahil sa pagsasalita, at ayon kay Sauco et al (2003:19) ang wika at pagsasalita at bahagi at gawain ng tao sa pang-araw-araw na buhay…
Dahil malaking bahagi ng buhay ang wika, natuklasan ng tao ang kanyang kapaligiran na siyang bahagi sa paghubog sa kanyang katauhan. Sa kakayahang pangwika pinag-ugnay-ugnay ang mga taong may iba’t ibang kultura sa iba’t ibang panig ang daigdig. Lumaganap ang kulturang popular, tinatangkilik ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan, umunlad ang pamumuhay, tumaas ang antas ng edukasyon, lumawak ang kaalaman sa iba’t ibang disiplina, lalong umaangat ang mga pamantayan sa serbisyo at produkto, lalong napasalimuot ang batas at politika, natuklasang mahalaga ang paglinang sa sariling kultura upang maging estabilisado ang ekonomiya ng bansa; at, hanggang namamalayan ang konseptong pagsagip sa kalikasan at iba pa. Patunay ito na isang makabuluhang kasangkapan ang wika upang makatarungang mapamahalaan ang lipunan, mapalakas ang pundasyon ng bansa, at magkakaroon ng positibong gawi tungo sa kaunlaran ng sanlibutan. At, ginagamit ang wika sa pagkamit ng mga hangarin at layunin, at pagbabalanse ng mga bagay-bagay mula sa sarili hanggang sa buong pangkat, kaya sa kabanatang ito, nais ipapabatid sa mga estudyante ang mga mahalagang kaalaman tungkol sa wika nang sa ganun ito ay maging isang hakbang upang magawa nila ang mga hangarin at layunin sa buhay bilang isang butihing mamamayan sa bansa. Ang mga kaalamang ito ay isang susi upang ang isang estudyante ay maging maalam sa mga bagay-bagay sa daigdig na nasasalig sa wikang biyaya bilang kasangkapan sa pakikisalamuha sa kapwa. Inaasahang malinang ang estudyante sa mga kabatiran upang mangyari ang akademikong komunikasyon sa kasong Filipino sang-ayon sa komunidad at kulturang Pilipino.
Ang katawagang wika ay mula sa katawagang lengguwahe na mula rin sa salitang-ugat na lingua na ang ibig sabihin ay dila. Ang wika at dila ay magka-ugnay na nangangahulugang ang wika ay nalilikha dahil sa kakayahan ng tao na makapagsaltik-saltik ng kanyang dila.
Ang wikang may malaking bahagi ng buhay ng mga Pilipino, ang Wikang Filipino karapat-dapat na naisabatas. Itinalaga ang araling tungkol sa wika saklaw na mga asignaturang Filipin.
Pakatandaan nating ang wika ay sumasalamin sa kalinangan ng isang bansa at nagpapakilala sa antas ng karunungan ng tao sa kung paano niya magagampanan ang mga kasanayang pangwika.
Ayon kay Henry Gleason (sa Santiago, 19 ?-) ang wika ay masistemang balangkas ng tunog isinaayos sa paraang arbitraryo, ginagamamit sa komunikasyon sa mga taong may iisang kultura.
Ang tao at wika ay magkasama dahil sa wika. Magawang maipapahayag ng tao ang kanyang sarili . Kung ano ang wika mailalarawan ito kung ano nga ba lamang ang naabot ng mga tao sa panahon ngayon.
Mga Komento