WIKANG PANTURO: HINDI LAMANG IISANG WIKA
Ang Wikang Filipino ay wikang panturo. Wikang Filipino ang angkop na gagamitin upang ituturo ang kung anong mayroon sa kulturang Pilipino. Ang Filipino ay hindi lamang Tagalog, ito ay kumbinasyon sa maraming wika sa kapuluan na siyang inilalarawan sa Resolusyon 96-1, 1996 ng KWF. Dahil sa tinataglay nitong bokabularyong mula sa iba’t ibang wika, madali lamang matutunan ang wikang ito kung ito ang gagamitin bilang wikang panturo.
otoo namang ang Filipino ay isang mahalagang asignatura mula sa elementarya pa hanggang sa pinakamataas na yugto ng edukasyon. At, hindi naman ito nawalan ng saysay dahil napakahalaga talaga ang papel ng Wikang Filipino sa pambansang komunikasyon.
Ang pagtuturo ng wikang Filipino, mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante na maaring may mga salitang natutunan at naririnig sa ibang tagapagsalita na hindi pa tamang anyo gaya na lamang ng mga salitang "nakakaalam", "nakakalito", "nakakagulat", at iba pa na hindi pala naayon sa mga lagda ng lingguwistika.
Sa pagtuturo ng Filipino at pagbibigay pasulit, ang mga estudyante magkakaroon ng reporma at matutuo na na ang tama ay "nakaaalam", "nakalilito", at "nakagugulat". Kailangan lamang ng kaunting pag-iisip upang matutunan ang wikang Filipino bilang wikang panturo. Sa ganitong pangyayari, marami ka pang matutunan sa sariling kultura dahil lamang sa pamantayang pangwika. Sa kasong ito, ang pagkatuto ng Filipino ay isang daan na akademikong komunikasyon at mahiwalay ito sa hindi istandard na pagsasalita at pagsulat. Dagdag pa, ang wikang Filipino ay pambansa at dapat nararapat ituro at pag-aralan.
Ang Wikang panrehiyon ay wikang panturo. Ang wikang panrehiyon tulad ng Tagalog, Ilocano, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Kapampangan, Bikolano, Pangasinense, Maguindanaowon, at Kinaray-a at iba pang mga diyalekto ay may mahahalagang papel upang malinang ang pagkilala sa sarili nga bawat isa. Ang pagkilala sa sarili ay daan sa sariling pagkakilalan bilang Pilipino at ito ay isang layunin ng edukasyon. At, ang wikang panrehiyon ay isang mahalagang salik sa kalakarang ito, dahil ito ay ang Unang Wika (L1) ng isang indibidwal. Ang wikang panrehiyon ay ang pinakaunang wika na siyang magdadala ng sinuman upang ipahayag ang kanyang sarili—- ang kanyang mga kaisipan at mga damdamin. At, kung matugunan ito, ito ay ang isang hagdananan upang maging isang makabuluhang kasapi sa lipunan, Dahil sa wikang panrehiyon, dito rin natin makilala ang ating tiyak na kultura. Ang wikang panrehiyon ay daluyan sa ating pag-uunawa sa ating pagka-iba-iba kahit tayo ay iisang bansa.
Sa pananaw na pangwika, ang wikang panrehiyon ay isang pundasyon sa pagkatuto ng iba pang wika, at isang mahalagang bagay na hayaan munang matuto ang isang bata ng kanyang unang wika—ang wika sa pamilya upang bago matuto ng iba pang wika. Mainam na payamanin muna sa bokabularyo ng Unang Wika ang isang bata bago turuan ng iba pang wika.
Ang Wikang English ay wikang panturo. Matagal nang panahon na ang English ay bahagi ng kurikulum sa pagsasabatas ng Bilingguwalismo sa taong 1974. At, ang kurikulum ay naglalahad ng mga asignatura na ituro sa English. Hanggang sa kalaunan ng pagrebisa ng saligang batas na tinutumbok ang English na isa sa mga wikang panturo. At, hindi mapigilan ang pagbabago ng panahon, nagkaroon ng panibagong konsepto at naisabatas ang MTB-MLE sa taong 2009, kung saan ang Wikang Filipino at Wikang Panrehiyon ay nanatili pa ring wikang panturo, ngunit nadadagdagan na sang-ayon sa pangngailan na ang magkakaroon ng global na integrasyon, English ay kailangan. Hindi naman ito bago.
Mapatunayan naman na ang wikang panturo ay ang wikang ginagamit sa silid-aralan, ginagamit sa pagsulat ng mga aklat sanggunian, paghahanda ng pagsusulit, at ginagamit sa pananaliksik at sa mga iskolarling pagpapahayag o research conference; gayundin ang paghahanda nga multi-media learning materials na mailathala sa internet. Hindi lamang iisang wika ito. At, dahil hindi maipagkaila ang pangangailangan ng ating bansa ang makibahagi sa pangmundong kalakaran at lalo na magkakaroon ng malaking bahagi ng pangmundong employment market.
Sa kultura at edukasyon, ang paggamit ng Wikang Filipino, Wikang Panrehiyon at Wikang English sa kurikulum ay may mga malalalim na basehan. At, ito'y nagsasaad na ang tatlong mga wika na ito ay may magkatimbang na halaga sa ating pagkikisalamuha sa lipunan, at pag-ambag sa kalinangan ng ating bansa, at sa buong daigdig.
Mga Komento