Ano Pinagmulan ng Wika at Wikain sa Pilipinas?
Ang kasalukuyang kabihasnan ngayon ay mismong sasagot sa mga katanungang paano umusbong ang wika sa buong daigdig. Ang migrasyon at pananakop ay isang daan upang ang isang wika ay matutunan at maghihiraman sa iba’t ibang pangkat. Ang anumang bagay na kaugnay sa pamumuhay ay higit ring nagtutulak upang mapayabong ang anumang wika at ito’y matutunan ng ninumang tumatangkilik sa mga bagay-bagay na mahalaga sa pamumuhay. Ang pag-iral sa katalinuhan ng tao, ang nagaganap na pagtuklas ng kaalaman at pag-iimbento ng iba’t ibang bagay ay isang uring pangyayari na siyang dahilan sa ebolusyong ng isang wika. Sa Pilipinas, kung balikan natin ang kasaysayan, maintindihan rin natin ang pinagmulan ng wikang umiiral sa ating kapuluan. Sa anong uring mga pulo mayroon ang dumudugtong sa Pilipinas sa bandang Tawi-tawi at sa Sabah Malaysia ay maaninaw natin kung ano ang hatid nito sa wikang ginagamit ng mga Pilipinong mula sa lipi ng mga Malayo. Maintindihan natin na...