ANO NGA BA ANG KATANGIAN WIKA?
Sa panahong ito na pinapairal na ang K to 12 na Kurikulum kailangang lalong paiibayuhin ang pag-aaral ng wika upang matugunan ang pangangailangan. Kung titingnan ang mga konseptong pangwika, makilala ang diyalekto at idyolek bilang mga patunay makilala ang wika sa mga nagsasalita nito. Ang ang diyalekto at idyolek ay bahagi sa isang wika, at ang idyolek ay bahagi rin ng isang diyalekto. Kung batay naman sa paggamit, ang anumang mga gawain natin– personal o transaksyonal, ay nangangailangan ng wika. Ang wika ay malaking bagay sa buhay ng tao tungo sa pakikisalamuha sa iba upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan mula sa personal hanggang sa mga komplikadong kailangan. Ayon pa kay Lumbera (2005), parang hininga na ang wika sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan na ito. Ito ay nangangahulugang hindi maiwalay ang wika sa ating pagkatao. Ang wika ay kumakatawan sa isa sa pinakamalakas na buklod na nag-iisa sa tao pinalaganap ng pagkakakaisa a...