Mga Post

PANG-UKOL, SAAN UUKOL?

Ang Pang-ukol ay ginagamit bilang pananda sa simuno o paksa ng pangungusap tungo sa pandiwa.  Ang pang-ukol ay n agpakilala sa simuno tungo sa   maaring nagmamay-ari, tumatanggap, pinaglalaanan,   pinagmulan, pinanggalingan, posisyon o kinalalagyan ng pandiwa. Sa English, ito ay preposition. Ang pang-ukol sa Filipino ay ang mga sumusunod: 1. Ang Pang-ukol na   NG . Ginagamit ito bilang pananda sa pangngalang tiyak, at    ginagamit na:         A. Layon sa pandiwa:          *Nagbalangkas   ng batas ang mga senador.         * Nagpatayo ng   Tutorial Internet Cafe ang LGU.       B. Panuring na paari       *Ang bahayanihan ay  kultura ng mga Pilipino.        *Ang  petisyon ng mga biktima ay dininig na.     C. Tagaganap ng pandiwa        *S inaliksik ng imbestigad...

PANGNGALAN, PANGNGALAN, ALAMIN ANG KAYARIAN

Sikat ang paksa na pangngalan dahil ito ay palaging bahagi ng paksang aralin mula sa elementarya hanggang sa pinakamataas na antas ng edukasyon.   Ano ang pangngalan? Si Pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar at mga kaisipan o konsepto.  Naririto ang kayarian ng pangngalan:   1.Kung tungkol sa pangkalahatang uri, pangngalang pantangi at pambalana   1.1 Pangngalang Pantagi - tiyak na ngalan ng tao, bagay, teknolohiya, konsepto at lugar at iba pa. Kung isulat ito ay kailangang magsimula sa malaking titik.   Halimbawang ngalan ng tao, Marlonford Coutinho Halimbawang ngalan ng bagay, Singer Sewing Machine Halimbawang Teknolohiya, Purtier Placenta Stem Cell, Asus Laptop   Halimbawang konsepto, Covid19 Virus   Halimbawang lugar, Baranggay Tambis Hilongos Leyte   1.2 Pangngalang Pambalana o common noun- karaniwang ngalan ng tao, bagay, teknolohiya, konsepto at lug...

MGA WIKANG OPISYAL: MGA WIKANG PANREHIYON, FILIPINO AT ENGLISH

             Naging wikang opisyal  sa Pilipinas ang ang Filipino ( na noo’y Pilipino) noong 1940 sa ilalim ng Batas Komonwelt Bilang 570. Sa taong 1968 ipinalabas ng kalihim ng Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkula Bilang 172 na nagbibigay-diin na ang ‘letterhead “ ng mga kagawaran, tanggapan, at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino,  pati na ang panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleado  ng pamahalaan ay sa Pilipino rin. Itong lahat ay mga kalakaran nakalipas na nagpapatunay na ang Filipino ay dati nang wikang opisyal sa Pilipinas. Ngunit, dahil sa nagbabago na ngayon ang kapakanan ng bawat isa at sa epekto ng globalisasyon, bukod sa wikang Filipino, kasama ang iba pang wika. Nangangahulugang hinirang ng mga pinuno ng bansa ang mga wika bilang opisyal sa paaralan, tanggapan at sa korenpondensiya—sa komunikasyon. Ang wikang opisyal ay nagsasaad na wikang magagamit sa transaksyonal na komu...

WIKANG PANTURO: HINDI LAMANG IISANG WIKA

          A ng Wikang Filipino ay wikang panturo . Wikang Filipino   ang angkop na gagamitin upang ituturo ang kung anong mayroon sa kulturang Pilipino. Ang Filipino ay hindi lamang Tagalog, ito ay kumbinasyon sa maraming wika sa kapuluan na siyang inilalarawan sa Resolusyon   96-1, 1996 ng KWF. Dahil sa tinataglay nitong bokabularyong mula sa iba’t ibang wika, madali lamang matutunan ang wikang ito kung ito ang gagamitin bilang wikang panturo.  otoo namang ang Filipino ay isang mahalagang asignatura mula sa elementarya pa hanggang sa pinakamataas na yugto ng edukasyon. At, hindi naman ito nawalan ng saysay dahil napakahalaga talaga ang papel ng Wikang Filipino sa pambansang komunikasyon.  Ang pagtuturo ng wikang Filipino, mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante na maaring may mga salitang natutunan at naririnig sa ibang tagapagsalita na hindi pa tamang anyo  gaya na lamang ng mga salitang  "nakakaalam", "nakakalito", "nakakagul...

IBA'T IBANG GAMIT O TUNGKULIN NG WIKA

  Sa pag-aaral ni Michael Halliday sa disiplinang  Child Language Development, natuklasan niyang nagaganyak na matuto ng wika ang isang bata dahil sa gamit nito. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: 1.   Pang-instrumental. Sa tungkulin ng wikang ito, pinapahalagahan ang pagtugon sa pangangailangan ng isang tao. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap, panghimok, pangungumbinse at paghingi ng pabor.   Mga Halimbawa:  *  Mag-apply po ako bilang isang iskolar sa unibersidad ninyo, at ito na po ang aking application letter at   kalakip po nito ang mga kakailangang dokumento. *Mr. Palay, gusto kong mag-invest sa Mango Insdustry pokus sa   exporting . 2 . Panregulatori . Ito ang tungkulin ng wika upang makontrol ang kilos o ugali ng iba. Nabibilang din dito ang mga tiyak na pagpapahayag ng pagbibigay panuto, direksyon, pagbibigay paalala at babala at iba pa. Mga Halimbawa: *Mangyari po lamang mananatili sa inyong upuan hanggang hindi pa...

TAGALOG: BATAYAN SA PAGLINANG NG WIKANG PAMBANSA

Ang suliraning pangwika sa Pilipinas ay nararanasann na noon pang panahon ng Kastila. Isang malaking suliranin noong ang hindi pagkakaintindihan dahil sa iba’t ibang wikang sinasalita ng bawat pulo. Ang mga Kastila ay nag-aaral ng wikang katutubo upang matugunan nila ang kanilang layunin. Ngunit sa pagdaan ng panahon, dahil ang Ka-Maynilaan ang naging sentro ng bansa, maraming mga Pilipino ang natuto ng Tagalog. Ang Tagalog ay naging lingua franca sa buong   bansa at natutunan ng mga sinuman sa simulang makipagsalamuha sa sentro ng bansa. Alinsunod ng batas Tydings-Mc Duffie o Batas sa Kasarinlan na pinagtibay ni Franklin D. Roosevelt noong Marso 24, 1934 nagkakaroong ng pamahalahaang komonwelt ang Pilipinas, at si Manuel Luis Quezon, ang pangulo ng bansa at si Sergio Osmena bilang pangalawang pangulo—-ang pamahalaang napasailalim ng kapangyarihang Amerikano kailangang magkakaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas upang tuluyan itong makalaya sa kasunduang mabigyang kalayaan ang P...

WIKANG PAMBANSA nakasaad sa Saligang Batas

 Pagpalain kayong mga butihing mga estudyante! Mahalagang impormasyon na naman ang  matutunan ninyo dito: A.   Filipino Bilang Wikang Pambansa Nakatala sa   Saligang Batas   (Art. XIV, Seksyon 6, 1987 Konstitusyon) na ang pambansang wika sa Pilipinas ay tatawaging Filipino, at   itinadhana rin sa Seksyon 3 sa parehong artikulo na   ang Kongreso sa Pilipinas tungkol sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng wikang kakilanlan batay sa mga umiiral na katutubong wika .   Ito ang batas na magpatupad sa patuloy na paglinang ng Wikang Pambansang Filipino at nagsasaad na ang bawat Pilipino ay may sariling kakilanlang wikang ginagamit. At, bilang Filipino na Wikang Pambansa bahagi ito sa lahat ng antas ng kurikulum sa layuning matamo ang paglinang ng nasyonalismo at pagpapalaganap ng natatanging kultura.   B. Depinisyon ng Wikang Filipino Isinasaad na Filipino ang pasalita at pasulat na katutubong wika sa Metro Manila na pambansang punong rehiyon at...